TINIYAK ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na muling magbabalik ang nakasanayang kalagayan ng Pilipinas kung sa maling politiko ito ipauubaya.
Para kay Pastor Apollo, hindi aniya malayo na muling tamasain ng mga pilipino ang dating lugmok na bansa kung hindi maipagpapatuloy ang mga nasimulan ng Duterte administration.
Tugon ito nang tanungin ang butihing pastor sa uri ng kandidato na karapat dapat na iluklok sa gobyerno ngayong paparating na halalan.
Giit ni Pastor Apollo, hindi na mahalaga aniya kung walang pinagkaiba sa pamamalakad ni Pangulong Duterte ang plataporma ng isang kandidato.
Kaysa naman aniya sa mga politiko na puro pangako pero sa huli, mabibigo rin lang ang mga Pilipino.
Sa kabilang banda, upang tiyak na mapanatili ang pagbabago ng bansa, personal na nakiusap si Pastor Apollo sa susunod na adminsitrasyon na huwag nang alisin o palitan ang mga nakaupong Cabinet Secretaries sa pamahalaan.
Nauna nang iginiit ni Pastor Apollo sa mga programa nito sa telebisyon na bukod sa namayapang Pangulo na si Ferdinand Edralin marcos, wala na siyang nakitang mas magaling sa pamumuno ng bansa kumpara kay Pangulong Duterte.
Sa katunayan, bilang tanda ng paghanga at pagsuporta nito sa programa ng pamahalaan, personal nitong inilaan ang kanyang television network, ang SMNI para sa paglalahad ng mga natatanging proyekto, programa at mga hakbang sa mas mataas na antas ng pamumuhay ngayon ng mga pilipino kumpara noong mga nakaraang administrasyon.
Bilib ang butihing pastor kay Pangulong Duterte.
Sa kabila aniya ng pagtama ng pandemiya, kaliwat kanang imprastruktura at mga batas ang naisakatuparan sa ilalim ng administrasyon nito.
Sa huli naging malaking tulay din ang pamahalaang Duterte sa pagsugpo sa matagal nang salot sa lipunan, ang CPP-NPA-NDF.
Aniya, hindi na ngayon dahil may nag-iisang Pangulong Duterte na tumayo sa tunay na kapakanan ng mga Pilipino hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.