Kalawaan Station ng Pasig River Ferry, binuksan na sa publiko

Kalawaan Station ng Pasig River Ferry, binuksan na sa publiko

BINUKSAN na ang bagong istasyon ng Pasig River Ferry sa publiko ngayong araw.

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magdagdag pa ang mga Ferry station sa Metro Manila upang maibsan ang unti-unting bumibigat na daloy ng trapiko sa NCR.

Pinasinayaan ngayong araw ni MMDA Chairman Benhur Abalos at Pasig City Mayor Vico Sotto ang karagdagang istasyon ng Pasig River Ferry.

Ang Kalawaan station ay ang pangalawa sa panghuling istasyon bago mag Pinagbuhatan Station.

Ngayong unti-unti nang bumigat ang daloy ng trapiko sa Metro Manila dahil sa dumadaming mga sasakyan, hinihikayat ni Abalos ang commuters na sumakay sa Ferry dahil sa ngayon ay libre pa ito sa publiko.

Plano ng MMDA na magtayo pa ng karagdagang istasyon sa mga Lungsod ng Marikina at Taguig at sa probinsiya ng Rizal.

Suportado naman ni Mayor Vico Sotto ang pagpapabuti ng ferry service na aniya ay malaking tulong rin upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Pasig City.

Sa pamamagitan ng Pasig River Ferry, nasa 20 minutes lamang ang biyahe mula Kalawaan sa Pasig City hanggang Guadalupe.

Isang oras at sampung minuto naman mula Pasig hanggang Quiapo.

Mas mabilis ito kumpara sa pagsakay ng jeep na aabot ng halos dalawang oras.

SMNI NEWS