Mga Alkalde, maaring alisin ang mandatory na paggamit ng face shields kahit walang aprubal ng IATF – Año

Mga Alkalde, maaring alisin ang mandatory na paggamit ng face shields kahit walang aprubal ng IATF – Año

MAAARING tanggalin ng mga Alkalde ang mandatory na paggamit ng face shields sa mga pampublikong lugar kahit walang aprubal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito ang inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año sa gitna na rin ng pagpapalabas ng kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno na nag-aalis sa mandatory na paggamit ng face shields sa lungsod maliban sa mga ospital at medical facilities.

Ayon kay Año, maaring magpatupad ng mga polisiya ang mga Alkalde basta’t ito ay makatwiran.

Iginiit pa ng kalihim na hindi karapat-dapat na pag-awayan ang nasabing isyu.

Maatatandaang sinalungat ng malacañang ang pagpapalabas ng kautusan ni Moreno at iginiit na “null and void” ito.

SMNI NEWS