Kalinga sa Maynila PESO Job Fair, ilulunsad muli sa Abril 3

Kalinga sa Maynila PESO Job Fair, ilulunsad muli sa Abril 3

ILULUNSAD muli sa Abril 3 ang Kalinga sa Maynila PESO Job Fair.

Humigit-kumulang 2,500 job vacancies ang naghihintay para sa mga high school graduates, college level, college at tech/voc graduates na nais mag-aplay ng trabaho na mga Manelenio.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Manila City Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) – City of Manila katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) Manila Field Office ay malugod na iniimbitahan ang mga Manelenio na dumalo sa “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” sa Miyerkules, Abril 3, 2024, ganap na 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Gaganapin ito sa P. Guevarra St., cor. Tecson St., Sta. Cruz, Manila, Brgys. 363, 364, 376, 379 at 380, District 3 ng lungsod.

Maaring magdala ang mga aplikante ng kopya ng resume, sariling ballpen at parating sumunod sa mga pinaiiral na public health protocols.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble