APRUBADO na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang mosyon na ipagpaliban ang barangay at SK elections ngayong taon.
Sa botong 12-2, inaprubahan ng komite na iurong sa unang Lunes ng Disyembre 2023 ang barangay at SK elections sa halip ngayong Disyembre 2022.
Inaprubahan din ng komite ang mosyon na nagbibigay sa mga mananalong barangay at SK officials ng 3 taong termino na magsisimula sa Enero 1, 2024.
Nakapaloob din sa mosyon na ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay ay mananatili sa pwesto hanggang hindi naihahalal ang kanilang kapalit.
Sa ngayon, sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na gumastos na ang COMELEC ng P800,000 mula sa P8.449 bilyon na budget para sa naturang halalan.
Ngayong araw, sinimulan ng Kamara ang pagtalakay sa panukalang ipagpaliban ang 2022 barangay and SK election.