Kamara, nagpadala ng ayuda sa mga binagyo sa Cagayan

Kamara, nagpadala ng ayuda sa mga binagyo sa Cagayan

NAGPADALA ng ayuda ang Kamara para sa mga biktima ng bagyo sa Cagayan.

Kabuuang 150 na kahon ng relief goods, 80 bundles ng bottled water at higit 20 sako ng bigas ang ipinadala ng Mababang Kapulungan sa lahat ng typhoon affected areas sa probinsya.

Si Cagayan 3rd District Rep. Jojo Lara ang naatasang mamahagi ng ayuda sa mga nangangailangang residente.

Ang relief drive sa Kamara ay inisyatibo ni House Speaker Martin Romualdez katuwang ang mga empleyado ng House of Representatives.

Naunang nakapagpadala ng ayuda ang Mababang Kapulungan sa Laguna, Cavite at BARMM na pawang sinalanta ng nagdaang Bagyong Paeng.

Follow SMNI NEWS in Twitter