Kamara pinaiimbestigahan ang isyu ng umano’y ‘misused of public funds’ sa Bangsamoro Government

Kamara pinaiimbestigahan ang isyu ng umano’y ‘misused of public funds’ sa Bangsamoro Government

PINAIIMBESTIGAHAN sa Kamara ang isyu ng umano’y ‘misused of public funds’ o block grant at iba pang isyu ng iregularidad sa Bangsamoro Government.

Kabilang sa pinasisiyasat ang napaulat na bank deposits sa mahigit 400 barangays ng Lanao del Sur kahit walang budget request ang mga ito.

Batay sa mga may akda ng House Resolution (HR) 2199, nasa P500,000-P2,500,000 ang bank deposits sa bawat Barangay Local Government Units (BLGUs) na mula umano sa Office of the Chief Minister.

At pinawi-withdraw umano ang pera at ipinabibigay sa mga tauhan ng Office of the Chief Minister dahil for ‘special operations’ daw ang pondo.

Nakasaad sa HR 2199 ang iba pang detalye.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble