IPINANGAKO ng Philippine National Police (PNP) ang mas malakas na kampanya kontra ilegal na droga at cybercrimes ngayong 2024.
Ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., magiging pokus nila sa anti-illegal drugs campaign ang drug clearing at mga personalidad na sangkot dito.
Sa datos, nasa 7,543 pa na mga barangay sa Pilipinas ang nananatiling apektado ng ilegal na droga.
Sa cybercrime, ipinag-utos ni Acorda ang pagsasagawa ng training para sa police officers hanggang station level kung paano mag-imbestiga nito.
Kung maisalang sa training aniya ang police officers maliban sa mga naka-assign na sa anti-cybercrime group, mas maraming personnel pa anila ang makatutulong para tugunan ang problema.