Kapakanan ng kabataan, teaching, non-teaching personnel ng mga taga Colegio de San Lorenzo, dapat unahin – mambabatas

Kapakanan ng kabataan, teaching, non-teaching personnel ng mga taga Colegio de San Lorenzo, dapat unahin – mambabatas

PABOR ang isang mambabatas na tutukan muna ang pag-rescue ng mga kabataan at teaching/non-teaching personnel na na-displaced dahil sa pagsasara ng Colegio de San Lorenzo sa Quezon City.

Kapag maresolba na ayon kay House Committee on Basic Education and Culture Chairman Rep. Roman Romulo sa panayam ng SMNI News, dito na talakayin ang totoong problema kung bakit biglaang nagsara ang naturang paaralan.

Kung matatandaan, nitong Martes nang inanunsyo ng Colegio de San Lorenzo ang kanilang permanenteng pagsasara.

Ito ay bunsod ng financial instability na resulta ng COVID-19 pandemic at mababang bilang ng mga nag-eenroll sa nakalipas na mga taon.

Samantala, inuumpisahan na ng Kamara ang pag-review ng K-to-12 program ng bansa.

Kasunod ito sa isa sa mga reklamo ng marami na hindi pa rin nakakapagtrabaho agad ang mga kabataan pagkatapos mag-graduate dito kahit ipinapangako ito ng K-to-12 program.

Follow SMNI NEWS in Twitter