Kapakanan ng OFWs, tututukan ni Moreno sakaling manalo bilang pangulo

Kapakanan ng OFWs, tututukan ni Moreno sakaling manalo bilang pangulo

INIHAYAG ni presidential candidate Isko Moreno na gagawa at pag-iibayuhin niya ang mga programa para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Isa aniya sa magiging hakbang niya ang pagkakaroon ng mas malakas na international trade agreements at gagawa ng programa at polisiya sa bansa para sa kapakanan ng OFWs.

Ito’y para matiyak na protektado sila sa kahit saan mang bansang pupuntahan nila.

Maliban pa dito, gagawa si Moreno ng life and livelihood economic policy upang imbis babalik sa pagtatrabaho sa ibang bansa ang isang OFW, mabibigyan na sila ng rasong manatili sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter