Durant at Irving, pinangunahan ang pagkapanalo ng Brooklyn Nets vs Indiana Pacers

Durant at Irving, pinangunahan ang pagkapanalo ng Brooklyn Nets vs Indiana Pacers

PINANGUNAHAN nila Kyrie Irving at Kevin Durant na may pinagsamang 55 puntos ang pagkapanalo ng Brooklyn Nets upang talunin ang Indiana Pacers.

Dahil sa panalong ito ay nasigurado ng Nets ang ika-pitong pwesto sa Eastern Conference at nakakuha ng home advantage para sa susunod na laro nito sa susunod na linggo.

Naging maganda ang ipinakitang laro ng Nets sa final regular season nito matapos itong magkaroon ng 18-point lead sa first half ng laro kontra Pacers.

Ngunit nagawang makahabol ng Pacers sa iskor na 88-89 sa huling limang minuto ng third quarter bago muling makabangon ang Brooklyn upang palakihin muli ang kalamangan nito na nagtapos sa iskor na 134-126.

Nakapag-ambag si Irving ng 35 na puntos, seven rebounds at five assists habang nakagawa naman ng triple double performance si Durant na may 20 points, 10 rebounds, at career-high assists na 16.

Follow SMNI News on Twitter