KARAGDAGANG higit tatlong milyong dosis ng COVID-19 vaccines ang darating ngayong araw Disyembre 10, 2021.
Kabilang sa nakatakdang dumating ang kabuuang 2,948,000 dosis ng Moderna vaccines na binili ng gobyerno ng Pilipinas at pribadong sektor at karagdagang 698,600 doses ng AstraZeneca vaccines.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19 ang 2,102,000 dosis Moderna vaccine ay binili ng pamahalaan at ang 649,600 ay binili ng pribadong sektor.
Sabay na darating ang bakuna na lulan ng China Airline Flight CI701 na inaasahang lalapag ng alas 9:35 sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
Samantala, dumating na ang nasa kabuuang 1,017,900 dose ng Pfizer vaccines.
Ang mga bakuna ay lumapag sa NAIA Terminal-3 na sakay Air Hongkong Flight LD 456.
Sa bilang na ito nasa higit 25M dosis na Pfizer vaccines ang tinanggap na ng Pilipinas.
Bukod sa Pfizer, kahapon din dumating ang nasa kabuuang 255,200 doses ng AstraZeneca vaccines na binili ng pamahalaan.
Una nang sinabi ni NTF Chief Implementer and Vaccine Czar Carlito Galvez pagsisikapan nila na mabigyan ng magandang Pasko ang mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng muling isasagawang National Vaccination Day.
BASAHIN: Duterte, umaasang maging matagumpay muli ang susunod na ‘Bayanihan, Bakunahan’ sa buong bansa