Karagdagang barko sa pantalan sa Calapan Mindoro, inihirit ng PPA

Karagdagang barko sa pantalan sa Calapan Mindoro, inihirit ng PPA

MULING inihirit ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na magkaroon ng karagdagang barko sa pantalan.

Ito ay sa gitna ng mahabang pila na nararanasan ng mga biyahero sa Calapan Port sa unang araw ng balik-eskwela at trabaho matapos ang holiday season.

Ayon kay Port Management Office (PMO) Mindoro Port Manager Elvis Medalla, bukod kasi sa malakas na alon ng dagat at sama ng panahon, naging mabagal din ang turn-around time ng mga pampasaherong barko sa nasabing pantalan dahil nabawasan ang mga barko na bumabiyahe rito.

Binigyang-diin naman ni General Manager Jay Santiago na ang long-term solution sa problema sa mahabang pila ay sa pamamagitan ng pagsasaayos ng bagong passenger terminal building ng Port of Calapan na inaasahang bubuksan na sa buwan ng Marso.

Follow SMNI NEWS in Twitter