Karapatan ng mga katutubong Pilipino, tiniyak ni Sen. Robinhood Padilla

Karapatan ng mga katutubong Pilipino, tiniyak ni Sen. Robinhood Padilla

DAPAT mas makinabang ang mga katutubong Pilipino sa progreso at pag-unlad ng bayan.

Ito ang inihayag ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa unang pagpulong ng komite ng Senado para sa mga katutubo at mga Muslim.

Iginiit ni Padilla, nakalulungkot na may mga katutubong biktima ng diskriminasyon at pang-aabuso sa ancestral domain, at hindi pa nagkakaroon ng access sa programang lipunan.

Napakahalaga rin aniya ng komite para sa kapakanan ng mga katutubo at ng mga Muslim sapagkat ito ang simbolismo ng kalayaan.

Si Senador Padilla ay kilalang may adbokasiyang pagpapahalaga at pangangalaga sa mga IP communities bago pa man ito naging senador.

Follow SMNI NEWS in Twitter