Karl Eldrew Yulo, nasungkit ang gold medal sa all-around event ng Palarong Pambansa

Karl Eldrew Yulo, nasungkit ang gold medal sa all-around event ng Palarong Pambansa

NASUNGKIT ng nakababatang kapatid ni gymnast champion Carlos Yulo na si Karl Eldrew Yulo ang gold medal sa individual all-around event ng Men’s Artistic Gymnastics sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa.

Ito’y matapos makuha ni Karl ang kabuuang 46.25 points sa apat na apparatus.

Matatandaan na sa mga nakalipas na Palarong Pambansa ay humakot din ng gold medals si Yulo.

Kabilang na dito ang limang gold sa 2017 Palarong Pambansa sa Antique; apat sa 2018 Palarong Pambansa sa Vigan at limang gold noong 2019 Palarong Pambansa sa Davao City.

 

Follow SMNI News on Rumble