Karla Estrada, nagtapos na sa kolehiyo sa edad na 47

Karla Estrada, nagtapos na sa kolehiyo sa edad na 47

NAGTAPOS na sa kolehiyo ang TV host-singer na si Karla Estrada.

Natapos ni Estrada ang kursong Bachelor of Science in Office Administration sa Philippine Christian University.

Labis ang pasasalamat ni Karla sa Diyos dahil sa napakagandang pagkakataon na ibinigay sa kaniya na matupad ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.

Giit ni Karla, ‘nothing is too late’ dahil sa edad niyang 47 ay natapos niya ang kaniyang pag-aaral.

Hinimok naman ni Karla ang mga kapwa magulang na gustong bumalik sa pag-aaral na itaguyog ang kanilang pangarap at ‘wag tingnan ang kanilang edad o mga sirkumstansiya sa buhay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter