INIHAYAG ni Justice Secretary Boying Remulla na kailangan nang maisaayos ang Karpeta System.
Ang Karpeta ay ang records ng Bilibid sa mga bilanggo.
Ayon sa kalihim, kaya nagkaroon ng kalituhan sa totoong pangalan ng namatay na middleman sa Pecy Lapid Slay ay dahil iba ang record na nasa National Bilibid Prison (NBP) at hawak ng PNP.
Base aniya sa datos ng Bilibid ay Jun Villamor y Globa ang pangalan ng naturang middleman habang sa datos naman ng PNP ang pangalan ng middleman ay si Crisanto Villamor Jr.
Inihayag naman ni Remulla na ang Jose Villamor sa NBP ay pinsan ng middleman na si Jun Villamor at isa sa mga itinuturing na Point of Interest sa Percy Lapid Case.