Karunungan at gabay ng mga ama, pinagmumulan ng “lakas”—VP Sara

Karunungan at gabay ng mga ama, pinagmumulan ng “lakas”—VP Sara

PINAGMUMULAN ng lakas ang mga karunungan at gabay na ipinababatid ng isang ama o kung sinumang tumatayong ama sa isang pamilya.

Ito ang naging mensahe ni Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng Father’s Day nitong Hunyo 18, 2023.

Aniya, nakatutulong ang mga gabay na ito tungo sa pagharap ng hamon sa buhay.

Binigyang-diin din ni VP Sara na ang sinumang responsableng ama ay patuloy na gumagabay sa kaniyang mga anak kahit pa tumanda na ang mga ito.

Ipinaalala naman ni VP Sara na dapat pasalamatan ng bawat anak ang kani-kanilang mga ama.

Follow SMNI NEWS in Twitter