Panukalang P50-K multa sa mga nuisance candidate ni Rep. Sandro Marcos, suportado ni Sec. Enrile

Panukalang P50-K multa sa mga nuisance candidate ni Rep. Sandro Marcos, suportado ni Sec. Enrile

PABOR si Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile na magbibigay ng karagdagang multa sa mga nuisance candidate.

Ito’y matapos ihain ni Presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang House Bill 8415 na layong dagdagan ang grounds para i-disqualify ang isang nuisance candidate at gagawin itong isang election offense.

Sa ilalim ng panukala, nais ng mambabatas na Marcos na pagmulmultahin ng limampung libong piso ang mga nuisance candidate.

Sa kaniyang programa sa SMNI News, sinabi ni Enrile na tama ang panukalang ito ng presidential son para maiwasan ang kaguluhan sa eleksiyon.

Naikuwento rin ni Enrile na ang kaniyang ama ay isa ring biktima noon ng ganitong uri ng panggugulo sa eleksiyon.

Matatandaan na isa rin ang pinaslang si Negros Oriental Governor Roel Degamo sa biktima ng nuisance candidates matapos mahati ang kaniyang boto sa kandidatong si Grego Gaudia na gumamit ng pangalang Ruel Degamo kaya idineklarang panalo noon si Pryde Henry Teves.

Pero matapos ideklarang nuisance candidate ng COMELEC first division si Grego Gaudia ay idinagdag ang nakuha nitong boto sa tunay na Roel Degamo kaya napawalang-bisa ang panalo ni Teves at idineklara si Degamo bilang nanalong gobernador ng Negros Oriental.

Follow SMNI NEWS in Twitter