Kaso ng ASF sa Carcar City, Cebu kinumpirma ng BAI

Kaso ng ASF sa Carcar City, Cebu kinumpirma ng BAI

KINUMPIRMA ng Bureau of Animal Industry (BAI) na 58 sa 149 blood samples na sinuri mula Carcar City ang nagpositibo sa African swine fever (ASF) noong Marso 1, 2023.

Sa paglabas ng inisyal na resulta, agad nagpadala ng response team ang Carcar City Veterinary Office at Cebu Provincial Veterinary Office para sa karagdagang surveillance sa lungsod upang matukoy ang lawak ng impeksiyon.

Nagpatupad din ng movement control measures at nagpapatuloy ang koordinasyon sa local government units (LGUs).

Pagtitiyak pa ng BAI na mahigpit ang kanilang koordinasyon sa Department of Agriculture (DA)-Regional Field Office VII, Provincial Veterinary Office ng Cebu at iba pang may kaugnayang ahensiya para sa implementasyon ng ASF protocols at magbibigay sila ng kinakailangang technical at logistical support para sa agarang containment ng infected area.

Hinihikayat naman ang lahat ng swine raiser at stakeholders na agad i-report ang anumang hindi pangkaraniwang pagkamatay at pagkakasakit ng mga baboy, paigtingin ang biosecurity measure at itigil ang paggamit ng kaning baboy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter