Kaso ng COVID-19 sa Sabah, patuloy nang nakokontrol

Kaso ng COVID-19 sa Sabah, patuloy nang nakokontrol

PATULOY nang nakokontrol ng estado ng Sabah sa Malaysia ang pagkalat ng COVID-19 sa buong lugar.

Naitala na lamang sa estado ng Sabah ang 176 na bagong kaso ng COVID-19 sa lugar.

Sa isang pahayag, sinabi ni Local Government and Housing Minister Datuk Seri Masidi Manjun na patuloy nang bumababa ang kaso ng COVID-19 sa buong estado at kontrolado na ito.

Aniya, ito ay dahil sa mataas na porsiyento ng populasyon ang nabakunahan na sa Sabah.

Ani Manjun, bagaman ang mga sporadic infection ay nananatiling mataas sa 67% sa ngayon, ang bilang ng daily infection ay nasa under control na dahil sa bisa aniya ng mga bakuna kontra COVID-19 at ang patuloy na disiplina ng publiko sa pagsunod sa mga health protocols.

Ayon kay Manjun, kabuuang 172 mula sa 176 na bagong pasyente noong Abril 7 ay nasa category 1 at  2 habang  apat naman na pasyente ang nasa category 3.

Samantala, inanunsyo naman ni Masidi na walang pasyente sa naturang bilang ang nailagay sa category 4 at 5.

Follow SMNI NEWS in Twitter