Kaso ng illegal recruitment ng mga OFW sa KSA, tumataas

Kaso ng illegal recruitment ng mga OFW sa KSA, tumataas

INANUNSYO sa publiko ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang tumataas na bilang ng mga naiulat na insidente ng mga kaso ng illegal recruitment ng mga Pilipinong nagtatrabaho bilang mga household service worker o domestic helper sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Dahil dito muling nagpaalala ang Embahada sa publiko na maging maingat sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang mga recruiter at nangangako ng paglipat ng sponsor o trabaho nang iligal kapalit ng malaking bayad.

Pinapayuhan ang mga Pilipino na nagnanais na magpalit ng sponsor o trabaho na gawin ito sa tama at legal na pamamaraan.

Para sa tamang gabay at tulong, maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Embahada at Philippine Consulate General sa KSA.

 

Follow SMNI News on Twitter