NASA 53 ang kabuuang naitalang kaso ng pagkalunod, sunog, at krimen sa panahon ng Semana Santa.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nangunguna ang pagkalunod sa listahan ng mga insidente nitong Semana Santa sa buong bansa kung saan may 31 itong kaso.
Mas mababa pa rin naman ito kumpara sa 43 na kaso ng pagkalunod noong nakaraang taon ayon sa PNP.
Sa kabuuan, ayon sa PNP ay naging mapayapa ang pagdiriwang ng Semana Santa ngayong taon.