Kasong isinampa ng PNP-CIDG vs. FPRRD, may basbas raw kay Marbil; PBBM, wala raw’ng kinalaman sa ginawa ng CIDG

Kasong isinampa ng PNP-CIDG vs. FPRRD, may basbas raw kay Marbil; PBBM, wala raw’ng kinalaman sa ginawa ng CIDG

Go ahead and do your job!

May basbas raw mula sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Marbil ang inihaing reklamo ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Director PMGen. Nicolas Torre III laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice.

Sa paliwanag ni Torre, nag-abiso siya kay PNP Chief Marbil sa inihain nitong reklamo na inciting to sedition at unlawful utterances laban kay dating Pangulong Duterte at pinayagan daw siya.

Bagamat wala raw’ng kinalaman ang Malakanyang dito, naniniwala si Torre na motu proprio nila ito at “Pure Law Enforcement” ang kanilang ginawa dahil may nakita silang rason o paglabag ang dating Pangulo.

“Hindi namin kailangan ang Senado, hindi namin kailangan ang Malacañang dito para mai-file ang kaso na ito. I don’t think Malacañang should get involved in this dahil ito naman ay pure law enforcement. Ang pulis ay law enforcer, so may nakita tayong violation of law,” ayon kay PMGen. Nicolas Torre III

Nag-ugat ito sa mga pabirong pahayag ni FPRRD sa rally ng partido nito. Doon, sinabi nito na papatayin niya ang labinlimang (15) senador na hindi naman niya pinangalanan.

Maging ang tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ay naniniwalang nagbibiro lamang si Dating Pangulong Duterte.

Sabi ng ahensya, hindi ito dapat seryosohin dahil nakaugalian na nito ang magbato ng pabirong pahayag kahit noong nanunungkulan pa ito bilang pangulo ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble