PRESENT sa House Plenary sina Defense Chief Gibo Teodoro at AFP Chief of Staff General Romeo Brawner, Jr. para sa deliberasyon ng kanilang 2024 proposed national budget.
Sa hearing, binato agad ang isyu nina Jonila Castro at Jhed Tamano— ang dalawang kabataang rebelde o miyembro ng communist terrorist group (CTG) na binaliktad ang NTF-ELCAC sa isang press conference at sinabing dinukot sila ng military.
Sabi ni Kabataan Rep. Raoul Manuel na malinaw ang ginawa ng militar sa dalawa.
Ngunit paglilinaw ng AFP, last minute na binago ng dalawang rebelde ang kanilang pahayag at siniraan ang pamahalaan.
At dahil nagsinungaling ang dalawang rebelde, sasampahan ito ng perjury ng pamahalaan.
“Mr. Speaker, they were labeled as voluntary surrenderees because they said they voluntarily surrendered. Again, there were witnesses, Mr. Speaker, they made a sworn statement. Which of course if you made a sworn statement and you recanted Mr. Speaker, you will be subjected to perjury charges if needed,” pahayag ni Rep. Mercedes Alvarez, Budget Sponsor ng Department of National Defense.
Saad ng AFP na present ang mga abogado ng Public Attorney’s Office at magulang ng dalawang rebelde nang pumirma ang mga ito ng sworn statement na nag-dedetalye ng kanilang pagsuko sa pamahalaan.
Kaya malinaw na nagsinungaling ang mga ito.
“You know Mr. Speaker, the DND and the AFP have always believed that honesty is the currency of leadership, Mr. Speaker. It is more critical today that the truth prevails. Because mistrust seems to have been the default of the react mode Mr. Speaker. Therefore, we stand with our Philippine Army Mr. Speaker,” ayon pa kay Alvarez.
Kalaunan sa hearing ay nagkainitan naman ang mga mambabatas sa nasabing usapin.
“At galing na rin po mismo sa bunganga ng ating mga biktima Mr. Speaker ang naging sitwasyon noong sila ay pinapirma ng affidavit,” saad ni Rep. Raoul Manuel, Kabataan Party-list.
“And Mr. Speaker, galing din po sa bunganga ng tatay ng isa po sa mga babae na ‘yun na voluntarily nag-surrender po sila,” diin ni Alvarez.