Kasundaluhan ng NOLCOM-AFP, isinalang sa hand-to-hand combat skills

Kasundaluhan ng NOLCOM-AFP, isinalang sa hand-to-hand combat skills

ISINALANG sa hand-to-hand combat skills ang mga kasundaluhan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aquino, Tarlac City araw ng Martes.

Ito ay matapos na makumpleto nila ang kanilang tatlong Aikido Martial Arts Training courses.

Kabilang sa nakapaloob sa halos isang buwan nilang pagsasanay at disiplina ay Aikido Specialized and Integrated Basic Course; Aikido Specialized Basic and Advance Course; at Aikido Specialized and Integrated Course at Qualified Instructors Class 01-2023.

Sa kaniyang talumpati sa closing ceremony, binigyan ng pagkilala ni NOLCOM Commander LtGen. Fernyl Buca ang mga nagsip     agtapos sa kanilang dedikasyon na mapag-ibayo pa ang kanilang mga kakayahan at disiplina.

“Today, we celebrate not only your proficiency in Aikido but also your unwavering dedication to honing your skills and discipline,” mensahe ni LtGen. Fernyl Buca, Commander, NOLCOM.

Dagdag pa ng 3 Star General, napakahalaga sa panahon ngayon na maka-adapt sa mga abilidad na kinakailangan.

Tulad na lamang sa kanilang pagsasanay sa martial arts na makatutulong sa pagpapalakas sa kanilang hanay at kanilang kahandaan.

“In the unpredictable world we live in, the ability to adapt and respond effectively is paramount. The martial arts training you have received will undoubtedly strengthen our ranks and enhance our readiness,” ani Buca.

Follow SMNI NEWS on Twitter