Kasundaluhan ng NOLCOM, sumailalim sa Pistol Marksmanship Training

Kasundaluhan ng NOLCOM, sumailalim sa Pistol Marksmanship Training

SA ilalim ng Pistol Marksmanship Proficiency Enhancement Training, mas hahasain ang kakayahan at kahusayan ng mga tropa ng Northern Luzon Command (NOLCOM) sa pagkasa ng baril.

Ito ay bilang parte ng pangako ng NOLCOM, ang mataas at mahusay na performance pagdating sa larangan ng pagtatanggol sa kapayapaan at kaligtasan ng bansa.

Bukod pa rito, layunin din ng nasabing training na mas palakasin ang kanilang mga personnel sa pamamagitan ng paghahasa ng kanilang shooting proficiency.

Isinagawa ang nasabing training sa Camp Aquino Integrated Pistol and Rifle Firing Range, Camp Gen. Aquino, Tarlac City.

Ani LtGen. Fernyl Buca, commander ng NOLCOM, ang mga ganitong klase ng pag- eensayo ay upang mapatunayan na ang mga tropa ng NOLCOM ay maaasahan sa anumang sitwasyon.

“This type of training aims to further improve the pistol shooting fundamentals of every NOLCOM personnel ensuring they are versatile, flexible, and highly skilled in dealing with any situation, regardless of the level of intensity, across the entire spectrum of military operations,” ayon kay LtGen. Fernyl Buca, Commander NOLCOM.

Matatandaan na noong Agosto 28 lamang ay sumailalim din ang mga ito sa Aikido Martial Arts Training program upang mas maihanda ang mga ito pagdating sa isang unarmed combat situation.

Patuloy ang kanilang mga pag-eensayo hindi lamang sa marksmanship lalo na’t mataas at malaki ang pagtitiwala na ipinagkaloob sa kanila bilang tagapagtanggol ng mga mamamayan.

“Continuous training is fundamental to maintaining our readiness. It is part of our efforts in striving to become a sustainment-maintained and readiness-trained force, protectors of the people,” dagdag ni LtGen. Buca.

Dahil dito ay mas palalawigin pa ng NOLCOM ang kanilang trabaho na hasain pa ang kanilang mga personnel bilang well trained at mahusay na puwersa na kaya at laging handang sumaklolo sa anumang kapagsubukan upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble