Kasundaluhan sa Visayas, doble kayod para ‘di makaporma ang CTGs sa darating na BSKE

Kasundaluhan sa Visayas, doble kayod para ‘di makaporma ang CTGs sa darating na BSKE

DOBLE kayod ngayon ang tropa ng militar sa Visayas Region dahil papalapit na ang Barangay at Sangguninag Kabataan Elections (BSKE).

Sa panayam ng SMNI News kay LtGen. Benedict Arevalo, PA, Commander ng Visayas Command, Armed Forces of the Philippines (AFP) sinabi nito na todo ang kanilang pagbabantay sa nalalapit na halalan sa barangay.

Ito’y upang hindi mailuklok ng makakaliwang grupo ang kanilang mga kandidato para sa barangay elections.

Aniya, hindi nanan kasi lingid sa kaalaman ng karamihan na ginagamit lang ng teroristang grupo ang election upang makapangikil ng pera at bilang bahagi ng kanilang recovery effort.

Sa huli, malaki ang pasasalamat ng opisyal sa taong bayan dahil mas marami na ngayon ang hindi naniniwala sa mga panlilinlang ng makakaliwang grupo at ang taong bayan na rin aniya mismo ang tumutulong sa mga awtoridad upang maubos ang CPP-NPA-NDF.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble