Kasunduan para sa malakas na pangangalaga sa kapanan ng senior citizens at PWDs, nilagdaan ng DSWD at DBM

Kasunduan para sa malakas na pangangalaga sa kapanan ng senior citizens at PWDs, nilagdaan ng DSWD at DBM

ISANG kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Budget and Management (DBM), araw ng Biyernes, Disyembre 15, 2023.

Sa ilalim ng kanilang Joint Memorandum Circular (JMC), nais ng dalawang ahensiya na mapatatag ang mga programa na nakasentro sa mga matatanda at persons with disability (PWDs).

Alinsunod na rin ito sa section 36 ng General Appropriations Act (GAA) of 2023 kung saan nakasaad na dapat magtulungan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa kanilang mga plano at programa.

Pinangunahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang paglagda sa Joint Memorandum Circular (JMC) kasama ang mga opisyal ng DBM, National Council on Disability Affairs (NCDA), at National Commission of Senior Citizens (NCSC).

“Ang heart and soul ng JMC na ito ay is to hold on government agencies including DSWD accountable to make sure na naglalaan tayo ng pondo para sa ating mga may kapansanan at para sa ating katandaan. Pero, alam niyo minsan ang sabi nga sa atin ‘yung tokenism ‘yung may masabi lang na may programa pero hindi meaningful. Kaya kung napansin niyo dito, may monitoring and evaluation hindi sapat na may ilalathala na mayroon lang akong ginawang programa pero wala namang impact o wala namang benepisyo doon sa ating mga mamamayan,” ayon kay Sec. Rex Gatchalian, DSWD.

Sa ilalim ng JMC, minamandato ang NCSC at NCDA na magsumite ng Plan of Action na tutugon sa pangangailangan ng mga nakatatanda at PWDs.

Gagamitin itong basehan ng DBM para sa review at evaluation ng budget proposal para sa 2024.

Kaugnay rito, ang NCSC at NCDA rin ay inaatasan ding bumuo ng kanilang grievance mechanisms gaya ng complaint desks at web-based complaint management.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble