Kat Tolentino, magpapahinga muna mula sa 2024 PVL

Kat Tolentino, magpapahinga muna mula sa 2024 PVL

MAGPAPAHINGA muna ang Fil-Canadian volleyball player na si Kat Tolentino mula sa nagpapatuloy na 2024 PVL All-Filipino Conference.

Dahil ito sa kaniyang nararanasang auditory condition ilang linggo na ang nakalipas.

Positibo pa rin naman ang Choco Mucho Flying Titans na makabalik agad si Tolentino lalo na’t target ng koponan na masungkit ang unang panalo nila sa PVL.

Samantala, sa Abril 13 ay makakalaban ng Choco Mucho ang Strong Group Athletics.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble