Katapusan ng CPP-NPA-NDF, pinatitiyak rin ng PNP

Katapusan ng CPP-NPA-NDF, pinatitiyak rin ng PNP

HINDI na napigilan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar na ilantad ang mga karanasan nito mula sa kamay ng CPP-NPA sa bansa.

Aniya, mula sa pagkabata hanggang sa naging tagalingkod ng pamahalaan, hindi pa rin aniya nawawala ang impluwensiya ng mga makakaliwa at baluktot na pananaw ng CPP-NPA sa mga komunidad bagay aniya na dapat hindi na ito pinatatagal pa at kailangan nang wakasan sa lalong madaling panahon.

Kasunod ito ng pinalakas na ugnayan ng PNP at ilang force multipliers na katuwang sa pagsawata hindi lang sa usapin sa insurhensiya kundi maging sa iligal na droga.

Sa tala ng PNP, sa ilalim ng bagong liderato nito,  umabot ng mahigit 800 na CTG surrenderees mula  sa iba’t ibang police regional offices ang dumulog sa pangangalaga ng PNP para sa kanilang matiwasay na pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Ayon naman sa dating kadre ng CPP-NPA-NDF sa bansa na Ka Eric, malaki na ang nagyaring pagbabago sa estado ng mga armadong grupo sa bansa dahil sa sunud-sunnod na pagsuko ng mga miyembro nito bunga ng mga programa ng pamahalaan na ngayon ay unti-unti nang nahahatid sa mga NPA infested area sa bansa.

Sa ilalim lang din aniya ng Duterte Administration nabuhay ang buong ugnayan ng PNP at AFP para labanan ang NPA rebels sa bansa.

Naging tulay din aniya dito ang ang pagkakatatag ng NTF-ELCAC  upang lalong pabilisin ang pagkalugmok ng mga natitira pang kasapi ng mga komunistang teroristang grupo na ito.

Sa huli, bagama’t marami pa anila ang dapat na gawin ng pamahalaan, pero ayon sa PNP hindi ito magiging makatwiran kung hindi dahil sa ilalim ng pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Duterte na tahasan komukondena sa mga maling gawain at kasamaan ng CPP-NPA-NDF sa bansa.

SMNI NEWS