Manny Pacquiao, hindi natupad ang kaniyang mga ipinangako bilang senador —PACQ

Manny Pacquiao, hindi natupad ang kaniyang mga ipinangako bilang senador —PACQ

INIHAYAG ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng the Kingdom of Jesus Christ na hindi natupad ni Manny Pacquiao ang mga ipinangako nya bilang Senador.

Matatandaan noong Aug 26, 2015 nang sabihin ni Pacquiao na sa oras na ito ay maluluklok sa pwesto bilang senador ay magbibitiw na ito sa pagbo-boxing at itutuon ang buong atensyon sa trabaho.

Pero sa kabila ng pangako nito ay matatandaan na taong 2017 ng sumabak muli sa boxing ring at lumaban kay Australian Boxer na si Jeff Horn ang senador.

Noong 2018 naman ay lumaban ito kay Lucas Matthysse at ginanap ang laban sa Malaysia.

Lumaban naman ito kay Keith Turman noong taong 2019.

Sa buwan ng Agosto ngayong taon ay sasabak muli si Pacquiao sa boxing para naman sa laban nito kay Errol Spence Jr. sa bansang Amerika.

Dahil dito ayon kay Pastor Quiboloy, hindi lamang siya ang dismayado kundi ang 3 milyon na mga miyembro at hindi miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.

Aniya dahil lang sa magandang pangako nito noon at nasa ticket pa ito noon ni Pangulong Duterte ay bumilib at ibinoto siya ng mga tao.

‘’You disappointed us Manny Pacquiao, you disappointed me and who trusted my credibility, doon sa sinabi mo noong 2015. Nagtatanong sila, ayaw kong masira ang credibility ko. Sabi ko, face value akala natin totoo siya, ‘wag niyo ako sisihin, kasi ‘yong iba nagsasabi, bakit ganun siya, hindi ko kasalanan ‘yon naniniwala tayo sa kaniya,’’ayon kay Pastor Appollo C. Quiboloy.

Ayon kay Pastor Apollo, hindi siya kailan man nagsalita noon laban sa senador pero iba na raw ngayon lalo pa’t muling nangako at tatakbong pangulo si Pacquiao.

Ilan sa mga bagong pangako ng senador ay pagbibigay ng libreng condo sa mga mahihirap at pagpapatayo ng mega prison para sa mga kurap.

Diin ni Pastor Apollo, ang misyon nito ngayon ay ang hindi mailigaw ang voting public lalo na ang mga taong umaasa sa kredibilidad niya sa pag-eendorso ng mga kandidato.

‘’Tapos binira mo pa ang ating Pangulo na mahal na mahal namin. Tingnan mo ‘yong track record na ginawa niya sa kaniyang administrasyon. Only less than six years, more than five years, wala pang administrasyon ang nakagawa, tapos binira-bira ninyo tapos ikaw ang nag-una, kumibo na ako, di na pwede ito. Hindi ko na pwedeng sabihin ito kasi ngayon, ang misyon ko ay linawagin ang voting public na umaasa sa ‘kin na ang sasabihin ko ay ‘yon ang kanilang susundin hindi ko hiningi ‘yon binigay nila ang trust nila sa akin sapagkat alam nilang tuwid ang utak ko. Hindi ako nababayaran ng pulitiko dahil ang gusto ko ay nation building,’’dagdag nito.

Samantala, tiwala naman si Pastor Apollo C. Quiboloy na ang P3.5-B na project ni Pacquiao na hindi natapos at napabayaan ay located sa Sarangani at hindi sa Bataan.

SMNI NEWS