SINUPORTAHAN at malugod na tinanggap ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan, Bise Alkalde Yul Servo Nieto, at iba pang mga opisyales ang katatapos na mga nagtanghal sa Kartilya ng Katipunan ng Obrang Manileño.
Dito ay ipinakita ang iba’t ibang sining tulad ng pagpinta, pagkanta, pagpitik ng mga litrato, pag-tattoo, at iba pa ang ipinamalas sa lungsod ng Maynila, sa pangunguna ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila at Liga ng mga Barangay nitong Biyernes, Pebrero 29, 2024 bilang pagwakas sa Buwan ng mga Sining.
Ang Obrang Manileño ay nagbibigay ng plataporma para sa iba’t ibang mga dalubhasa sa sining, mula sa Tintang Manileño para sa mga tattoo artist, LaraJuan para sa ilang maniniyot, Guhit Pinta para sa mga pintor, Sayawit para sa mga mananayaw, at Cine Kartilya para sa mga pelikulang pumukaw sa interes ng nararami.