Kathryn Bernardo, nasungkit ang Outstanding Asian Star trophy sa SDA 2023

Kathryn Bernardo, nasungkit ang Outstanding Asian Star trophy sa SDA 2023

NASUNGKIT ni Kathryn Bernardo ang Outstanding Asian Star trophy mula sa Seoul International Drama Awards (SDA) 2023.

Para ito sa kaniyang character sa TV show na “2 Good 2 Be True”.

Sa naging talumpati ng actress, isa sa pinasalamatan nito ang healthcare workers dahil nakikita niya ang importansiya at dedikasyon nito para sa mga may sakit lalong-lalo na sa mga may Alzheimer’s disease.

Matatandaang ang “2 Good 2 Be True” ay sumesentro sa kuwento ng mga taong mayroong Alzheimer’s.

Pinasalamatan din ni Kathryn ang lahat na nasa likod ng pagbuo ng nabanggit na TV show maging ang Pinoy fans nito.

Sinabi rin ng actress na proud siyang maging Pilipino at masaya siyang maipakita ang talento ng isang Pilipino sa international stage.

Samantala, noong 2022 ay si Belle Mariano ang nakatanggap ng Outstanding Asian Star trophy mula sa SDA.

Follow SMNI NEWS on Twitter