ISINIWALAT ni Former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam ang lahat ng katiwaliang nangyayari sa ahensiya.
Walang takot na ibinunyag ng dating board member ang lahat ng nalalaman niyang katiwalian ngayon sa PCSO sa harap ng sambayanang Pilipino.
Idiniin ni Cam ang mga pangalan ng nasa likod ng nagyayaring korapsiyon sa PCSO at sinabi nga nito na magkasabwat ang general manager na si Mel Robles kasama ang First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na nagsalita si Sandra Cam sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa ika-pitong araw sa Liwasang Bonifacio, Maynila.