PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kauna-unahang Command Conference ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa taong 2024.
Ito ang kinumpirma mismo ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. sa panayam ng media sa Kampo Aguinaldo araw ng Lunes January 15, 2024.
Kinumpirma ni AFP Chief ang mga direktiba ng Pangulo partikular na ang paglaban sa Local at Communist Terrorist Group, patuloy na pagtatanggol sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Inatasan din ng Pangulo ang AFP na magsagawa ng tinatawag na paradigm shift sa kanilang mga kasalukuyang aksyon partikular na ang pagtutok sa cybersecurity.
Kasunod niyan, ipinakilla na rin ni Gen. Brawner si Col. Francel Margareth-Padilla bilang bagong tagapagsalita ng AFP kapalit ni Col. Medel Aguilar na mananatili naman bilang Deputy Chief ng Civil Relations Group.
Si Padilla ay naging finalist ng AFP Cybersecurity Woman of the Year 2023.
Dito, mahigpit na tututukan ni Padilla ang pagpapakalat ng tamang impormasyon sa publiko gamit ang makabagong teknolohiya.