Kauna-unahang Cebu-Baguio-Cebu flights, isa sa makasaysayang pangyayari sa bansa

Kauna-unahang Cebu-Baguio-Cebu flights, isa sa makasaysayang pangyayari sa bansa

LUMIPAD na ang kauna-unahang Cebu-Baguio-Cebu flights kahapon, Disyembre 16 na isa sa makasaysayang pangyayari sa bansa.

Pinangunahan nina Cebu City Mayor Atty. Michael Rama, DOT Undersecretary Mae Elaine Bathan at PAL Executives ang inaugural flight na malugod na sinalubong ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kasama ang executives ng Baguio Tourism Council sa pangunguna ni Gladys Vergara.

Ikinatuwa naman ni Mayor Benjamin Magalong ang proyekto na pinaghandaan sa loob ng 3 taon na magbibigay ng maraming oportunidad pasimula ngayon at nagpasalamat sa suporta para sa lungsod ng Baguio.

 “Nakakatuwa na ‘yung kanilang enthusiasm, ‘yung kanilang suporta basically talagang ‘yung suporta nila sa Baguio, in fact kung titingnan mo sa totoo lang there’s a feasibility study na ginawa ng Philippine Airlines, talagang hindi siya economically viable binanggit sa akin ‘yan ni President Stanley na kaya lang gusto nilang gawing parang corporate social responsibility nila, suporta nila sa Baguio,” ayon kay Mayor Benjamin Magalong, Baguio City.

Ayon naman kay Mayor Michael Rama ng Cebu City, ito umano ay patuloy na aktibidad kung kaya hinihikayat nito ang lahat na dumalo sa Sinulog 2023 na gaganapin sa January 15.

 Finally at it was written, it shall be done, again it shall be done for it was written. We are here this is not the end, this is a continuing activities. Again be in Cebu this coming January 15, you’re all invited in behalf of the city government, in behalf of all … we’ve been in the flight Sinulog 2023,”saad ni Mayor Michael Rama, Cebu City.

Inaasahan naman ni Director General Manuel Antonio Tamayo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), marami pang inaugurial flights ang isasakatuparan ng PAL kung saan aniya ang pag-unald nito ay pag-unlad ng bansa.

“The progress of PAL covered us in decades as weaver the progress of the country. The airline history shows that wherever come a flight, the progress comes,” ani Director General Manuel Antonio Tamayo, CAAP.

Dahil dito, siniguro naman ng PAL ang kaligtasan ng mga pasahero kung saan ito ay isa sa pinakamasayang araw dahil sa kauna-unahang Cebu-Baguio flight sa kasaysayan ng bansa.

“This is a happy day for Philippine Airlines and all Filipinos and proud to have done here at Loakan Airport after almost 2 hours journey from Cebu, the first ever Cebu flight in Philippine history. We assure that the public that our …. And our people are ready to fly you safely because safety will always be our top priority,” Capt. Stanley, Philippine Airlines President and COO.

Malaking bagay naman ayon kay Mr. Anthony De Leon – general manager ng Baguio Country Club ang pagkakaroon ng paliparan hindi lang sa ekonomiya gayundin sa mga biyahero.

 “It would be now connecting the south with the north and vice versa so malaking bagay po ‘yun, people don’t have to worry about going to Manila first before going to Cebu, so we now have direct access,” saad ni Mr. Anthony R. De Leon, General Manager Baguio Country Club.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Mayor Benjamin Magalong ang mga Cebuano na bumisita sa lungsod ng Baguio.

 “So sa atong mga kababayan sa Visayas especially from Cebu, adto na sa Baguio there’s already direct flight in the same manner not for our residents sa Baguio, you know isa sa dream din ng mga karamihan ng mga kababayan natin dito to go to base visayas area and this is now the right opportunity for you to traveled to Cebu,” dagdag pa ni Mayor Benjamin Magalong, Baguio City.

Bukas ang lungsod ng Baguio sa sinumang nais bumisita sa lugar kung saan patok ang malamig na klima nito lalo na ngayong Kapaskuhan gayundin ang pagbisita sa Cebu para sa magagandang pasyalan.

 

 

Follow SMNI News on Twitter