Kauna-unahang earthquake drill para sa taong 2024, umarangkada na

Kauna-unahang earthquake drill para sa taong 2024, umarangkada na

UMARANGKADA na ang kauna-unahang earthquake drill para sa taong 2024.

Muling ipinakita ng pamahalaan ang seryosong paghahanda nito sa inaasahang pagtama ng malalakas na lindol sa bansa, kabilang na ang magnitude 7.2 na lindol o “The Big One”

Sa pangunguna ng Office of Civil Defense at mga malalaking ahensiya ng pamahalaan, sabay-sabay nitong sinaksihan ang opisyal na pagbubukas ng unang National Simultaneous Earthquake Drill para sa taong 2024.

Sa nasabing drill, pinakita ang tamang duck, cover at hold upang malimitihan ang mga casualties at masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Ang mga emergency response gears gaya nito, ay ilan lamang sa mga makabagong kagamitan ng iba’t ibang enforcement agencies para sa mabilis na pagtugon partikular na sa mga kritikal na sitwasyon tuwing may kalamidad gaya ng lindol.

Habang nakahanda rin ang food and non-food items ng pamahalaan para sa mga apektadong indibidwal, pamilya o lugar na tatamaan ng isang malakas na lindol.

Pamahalaan, posibleng makapagtala ng 50-K bilang ng casualty kapag tumama ang magnitude 7.2 lindol sa bansa—OCD

Sakaling mangyari ang pagtama ng 7.2 magnitude na lindol, piapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag lalo na kung mangyayari ito sa gabi kung saan nasa gitna ng pagpapahinga ang halos lahat ng tao.

Bagamat hindi pa nangyayari ang kinatatakutang The Big One, iginiit ng pamahalaan na walang dapat ikabahala ang publiko dahil sa tuluy-tuloy na paghahanda sa mga pasilidad nito.

Sa kabilang banda, para higit na maunawaan at makabisado ng mga Pilipino lalo sa mga nakatira sa Metro Manila, pinag-aaralan din ang pagsasagawa ng quake drill na makatotohanan gaya ng pagbagsak ng isang totoong gusali, senaryo ng sunog at iba pang mga kritikal na sitwasyon tuwing may sakuna.

Mula sa nasabing aktibidad, patuloy na binibigyang-diin ng pamahalaan ang karanasan ng Syria at Turkiye sa malakas na lindol para mas maging handa ang bansa sa tinatawag na “The Big One.”

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble