Publiko, hindi dapat mangamba kasunod ng pagsabog sa Marawi—Defense Chief

Publiko, hindi dapat mangamba kasunod ng pagsabog sa Marawi—Defense Chief

PINAWI ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pangamba ng publiko kasunod ng nangyaring pagsabog sa Mindanao State University sa Marawi City.

Sinabi ni Teodoro na kumikilos ang lahat ng law enforcement agencies ng gobyerno upang mapanagot ang nasa likod ng insidente at upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko.

Ayon kay Teodoro, naka-alerto ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Mindanao, gayundin sa Metro Manila.

Pinatitiyak aniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang agarang pagresolba sa insidente upang hindi na ito maulit.

Tinututukan ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente sa Marawi City.

 

Follow SMNI News on Rumble