Kauna-unahang Marines Veterans Health and Wellness Fair, isasagawa ngayong araw

Kauna-unahang Marines Veterans Health and Wellness Fair, isasagawa ngayong araw

PANGUNGUNAHAN ng Philippine Marines Corps ang pagbibigay-pugay sa mga beteranong sundalong marino na nag-alay ng buhay at katapatan para maglingkod sa bansa.

Isang Veterans Health and Wellness Fair ang pangunahing aktibidad na gagawin sa loob ngayong araw Nobyembre 5, 2024 sa National Headquarters ng Philippine Marines sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon sa Philippine Marines, kahit sa maliit na regalo ay maipakikita nila ang pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalo kasama ng kani-kanilang mga pamilya.

Kabilang sa mga handog na serbisyo at benepisyo para sa mga beterano ang health, wellness, education, livelihood, at social-emotional programs.

Patuloy naman ang pagsisikap ng PMC na maibigay ang karampatang pagkilala sa sakripisyo ng kanilang mga tauhan, opisyal at beterano na isa sa mga dahilan ng isang malaya at mapayapang bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter