GAGANAPIN ang kauna-unahang press conference para sa International Ultra Trail Run sa siyudad ng Danao, Cebu.
Inaasahang sa Enero 2024 magaganap ang kapana-panabik na International Running Event sa pahintulot ng Asia Trail Master.
Apat na kategorya ang maaring takbuhin ng mga kalahok.
Kabilang dito ang 15km, 30km, 50km at 100km.
Inaasahan ang pagdagsa ng mga foreign at local trail runners, ito’y isang paraan din ng pagsulong sa sport tourism ng siyudad.
Ipinagmamalaki naman ng siyudad ng Danao ang kanilang apat na peaks na may kahanga- hangang mountain trail kagaya ng Mt. Lantauan, Manghilao Peak, Licos Peak, at Mt. Mago.