ITINAGUYOD ngayon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kauna-unahang patimpalak sa pagtula sa pasenyas na paraan sa buong Pilipinas.
Sinimulan ito ng KWF na naglalayong palaganapin ang Filipino Sign Language (FSL) bilang tunay na wika, pagsulong ng Filipino Deaf Culture sa pamamagitan ng panitikan, kilalanin at bigyang-puwang ang di-matatawarang kakayahan at husay ng mga kababayang deaf, at makapag-ambag sila sa panulaang Filipino ng kanilang obra sa pamamagitan ng pasenyas na pagtula.
Ang contest na ito ay bukas sa lahat ng mga Filipino citizen na matatas sa FSL, babae man o laláki sa buong mundo, maliban sa kawani na ng KWF at kanilang mga kaanak.
Maaaring lumahok sa isa sa dalawang kategorya ng timpalak, ang Bingi o Hard-of-Hearing at Hindi Bingi. Komisyon sa
Ang ilalahok na tula ay ay dapat orihinal, may pamagat at hindi bababa sa 24 na taludtod o linya at hindi lalagpas sa 40 taludtod o linya.
Ang tula ay sesentro sa tema ng Buwan ng Panitikan 2023 na “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Panitikan.”
Para sa katanungan sa kung paano sumali ay maaaring i-contact ang cellphone number na 0928-844-1349 o mag-email sa [email protected].