Kauna-unahang Phil. Tourism Investment Summit sa bansa, isinagawa ngayong taon 

Kauna-unahang Phil. Tourism Investment Summit sa bansa, isinagawa ngayong taon 

NAGSAMA-sama ang iba’t ibang kompanya, negosyo at personalidad sa pamumuhunan sa bansa sa kauna-unahang pagsasagawa ng Philippine Tourism Investment Summit ngayong taon.

Nagsilbing panauhing pandangal si Tourism Secretary Christina-Frasco at Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Mark T. Lapid.

Layon ng nasabing pagpupulong na palawakin pa ang ugnayan ng lahat ng mga negosyo at serbisyo sa bansa kasama ang mga mamumuhunan para sa pagbubukas ng maraming oportunidad hindi lang sa lokal kundi maging sa international market.

Prayoridad din dito ang maipakilala ang mga lokal na serbisyo, produkto at turismo kasama rin ang pagpauunlad sa mga airport at seaports na makaaakit ng mas maraming mga turista mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter