MAAGA pa lang mahaba na ang pila at dagsa na ang tanggapan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Mandaluyong City para sa First Seafarers Jobs Fair ngayong Miyerkules.
Ayon kay DMW Usec. Hans Leo Cacdac nasa 27 manning agency naman ang lumahok sa naturang Jobs Fair na lahat ay Excellence, Top Performer, at Presidential Awardees.
Nasa 1,500 naman ang iniaalok ng trabaho para sa Ratings and Officer positions ganun din sa iba’t ibang cruise ship openings kabilang na ang mga nasa kategorya ng hotel, restaurant, galley, food and beverage, casino, bars, photo, beauty parlor, spa and salon, information technology (IT), entertainment, at housekeeping.