Kauna-unahang Summer Edition ng MMFF, sa Abril na!

Kauna-unahang Summer Edition ng MMFF, sa Abril na!

TULUYAN nang ilulunsad sa Abril ang kauna-unahang Summer Edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes.

Taong 2020 sana nang una itong ilunsad subalit naudlot dahil sa pandemya.

Kaugnay nito, magiging katuwang sa Summer MMFF Edition ayon kay Artes ay ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines.

Ang summer screening ay magtatagal ng hanggang 11 araw at magsisimula ito mula April 8-18 sa lahat ng sinehan sa buong bansa.

Ang Parade of Stars ay sa April 1 habang ang Awards Night ay isasagawa sa April 11.

Follow SMNI NEWS in Twitter