MAY utos na ang Muntinlupa RTC para sa paglilipat ng labing isang persons deprived of liberty (PDL) pabalik ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City mula sa Sabalayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Ang mga inmates na ito ay ang tumatayong testigo laban kay dating Senador Leila de Lima sa kaniyang drug case pero ngayon ay bumaliktad na sa kanilang mga salaysay.
Ayon sa korte, makakabuti na nasa malapit na lokasyon ang mga inmate habang isinasagawa ang paglilitis sa kaso kaya insiyu ang court order.
Bagay na hindi naman sinusuportahan ng Department of Justice (DOJ).
Isa pa rito, tutol ang DOJ sa paglilipat ng mga inmate dahil na rin sa jail decongestion program na itinutulak ng ahensya.
Wala rin daw sa hurisdiksyon ng korte na pangunahan ang Bureau of Corrections (BOC) sa pangangasiwa o sa security arrangement ng mga inmate.
Pag-aaralan ng DOJ ang posibleng remedyo kasunod ng court order.
Sa ngayon ay posibleng hindi muna sila tatalima sa kautusan ng korte habang pinag-aaralan ang legal remedy para sa naturang kautusan.
Ibig sabihin, sa kabila ng court order ay maaring hindi pa rin sila ililipat sa NBP.
Samantala nadagdagan pa ang testigo ng prosekusyon sa Delima case na naghain ng recantations sa korte.
Sa ulat, nagrecant na rin ang dating PNP-CIDG Investigator na si Dating Police Brigadier General Valeroso.
Sabi naman ng DOJ, na ang recantations ang isa na rin sa mga dahilan kung bakit ayaw nila maibalik sa NBP ang mga inmate.