Keepers Club Int’l sa Tagum, nakiisa sa clean-up drive ng World Environmental Awareness Day

Keepers Club Int’l sa Tagum, nakiisa sa clean-up drive ng World Environmental Awareness Day

PINANGUNAHAN ng Keepers Club International (KCI) ang isinagawang clean-up drive sa Brgy. Mankilam, Tagum City bilang pakikiisa sa World Environmental Awareness Day nitong Setyembre 15.

Dahil dito, natulungan na maipatupad ang solid waste management sa 38 purok sa kanilang barangay ayon sa punong barangay na si Hon. Ruby E. Aala.

Binigyang-diin nito na malaking importansiya ang world environmental awareness sa ating mga lugar upang matuto sa kung paano isagawa ang solid waste management.

“Sa ating world environmental ay talagang importante talagang hiniling natin sa City Solid Waste Management na magsagawa ng seminar para talagang matuto ang mga recipient kung paano mag-segregate.”

“Sa ating komunidad, kailangan talaga nating magtulungan dahil nandiyan ang lahat ng bagay na madaling maipatupad para sa mga nais nating gawin para sa ating pag-unlad sa ating komunidad,” ayon kay Hon. Ruby Aala, Sasot, Brgy. Captain, Davao del Norte.

Ibinahagi rin ni Brgy. Captain Aala na mahalaga na may kamalayan ang publiko patungkol sa solid waste management at paano ito e-segregate nang maayos.

“Kaya dapat may kamalayan silang lahat, dahil kung tayo din mismo hindi natin kayang gawin babalik pa rin ‘yan sa’tin, kaya’t malaki talagang dulot nito sa ating pang araw-araw na pamumuhay at sa atin ring pamumuhay sa mundong ito, kailangan talaga natin itong ipatupad sa ating mga mamamayan upang maging maayos lahat,” dagdag ni Aala.

Nagpapasalamat naman ang mga Keepers volunteer kay Pastor Apollo C. Quiboloy na siyang founder ng KCI na ehemplo at nangunguna sa pagpapakita ng tunay na pagmamahal sa ating kalikasan.

“Ako si Lourde Kingco Keepers Club International Maco Champion. Una sa lahat, nais kong pasalamatan si Keepers Club International founding Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagbibigay sa akin ng pribilehiyong maging volunteer sa World Environmental Clean-Up Drive dito sa Brgy. Mankilam Tagum City.”

“Nakatulong ako sa kanilang komunidad, bilang isang kabataan. Lahat tayo ay may pananagutan sa ating kapaligiran at maging halimbawa tayo sa ibang mga kabataan na tayong lahat ay may pananagutan sa bawat lugar,” ani Lourde Kingco.

Malaki rin ang pasasalamat ni Brgy. Captain Aala sa KCI at kay Pastor Apollo dahil sa makabuluhang proyekto nito sa kanilang lugar.

“Sa lahat ng Keepers Club voluntary students, maraming salamat na isa sa inyong napili ang aming barangay bilang recipient ng inyong clean-up drive.”

“Maraming salamat sa ating founding person, Pastor Apollo C. Quiboloy, at sa kaniyang mga estudyante, nawa’y pagpalain tayong lahat ng Diyos,” ani Brgy. Captain Aala.

Patunay ito na malaking tulong ang paggunita ng World Environmental Day sa iba’t ibang mga lugar na nangangailangan ng mabuting solid waste management lalo’t ang pagtatapon ng basura sa tamang paraan ay tungkulin ng bawat mamamayan.

Follow SMNI NEWS on Twitter