‘Kilos Kabataan Para sa Kapayapaan’ symposium, inilunsad sa Davao City

‘Kilos Kabataan Para sa Kapayapaan’ symposium, inilunsad sa Davao City

ANG kabataan ay may malaking bahagi sa daang patutunguhan hindi lamang ng kanilang pansariling hinaharap kundi lalo na sa pagkamit ng kapayapaan ng buong bansa.

Kaya naman sa pamamagitan ng isang symposium na pinangunahan ng Keepers Club International (KCI) sa pakikipagtulungan ng Jose Maria College Foundation Inc. (JMCFI), ang Kilos Kabataan Para sa Kapayapaan – Empowering Youth Against Communist Movement ay ginanap sa lungsod ng Davao.

JMCFI, pinangunahan ang ‘Kilos Kabataan Para sa Kapayapaan’ symposium sa Davao City

Ang naturang symposium ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa JMC na layong mamulat at hubugin ang mga ito bilang nation-builders at hindi maging bahagi ng mga makakaliwang grupo na walang ibang layon kundi sumira ng buhay at kinabukasan.

Bahagi ng programa ay ang mga mensahe ng pagsuporta sa mga adhikain ng KCI para sa mga kabataan at isa na rito ang makabuluhang mensahe ni Vice President Inday Sara Duterte na nagpaalala sa mahalagang papel ng mga kabataan para sa direksiyong tinatahak ng bansa lalo na sa usaping ng kapayapaan.

“’Yung mga kabataan ngayon, vulnerable sila sa recruitment sa NPA kase so kanina, ang CMO Battalion, diniscuss po nila sa mga bata kung ano ‘yung mga pros and cons sa mga ganitong mga talks, and gusto lang nila na malayo’ ‘yung mga bata sa mga ilegal po na mga gawain especially ‘yung mga bata ngayon is madali lang po silang ma-persuade sa mga illegal doings ng ating mga anti-government. Kailangan po nilang ma-aware na may mga ganitong nangyayari po sa lungsod natin,” ayon kay Gilda Salvana, Head, Davao City Local Youth Development.

Nagbigay rin ng kanilang pananaw sa mga mag-aaral ang mga dating rebelde o tinatawag na ngayong ‘Friends Rescued’ ukol sa ‘di mabuting gawa at kapahamakang dulot ng pagsapi sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“Yes, very much. Kase alam mo dapat ‘yung mga universities and colleges, dapat sila ‘yung nag-iinitiate ng ganito kase lalo na ‘yung mga identified natin na mga universities and colleges na maraming mga aktibista na nare-recruit na nakikita talaga natin na nasa kalsada, nasa harap ng iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno, alam ‘yan ng mga institusyon, alam ‘yan ng (unintelligible) and if they really want to save the lives of those children, they will initiate this kind of activities. Ito ‘yung totoong whole-of-nation approach, kung totoo tayong nagsasabi na we need to serve the people, and this will be one of the activities to serve the people and save the youth,” ayon kay Arian Jane “Ka Marikit” Ramos, Former Cadre.

Iginiit din nito na hindi kailangang gumamit ng armas o dahas para makamit ang kapayapaan.

“Napakalalim kase ng word na peace but for me, if we really put our heart in serving the people no matter what happen, no matter what the struggles would be as long as ang lahat ng ginagawa natin ay para sa sambayanang Pilipino na hindi tayo nag-iisip na humawak ng armas then we will achieve peace and we will ire-relay natin sa mga tao na ang isa sa mga dapat nating gawin para ma-achieve ang peace ay hindi dapat malimitahan doon sa pagra-rally at paghahawak ng armas, kung hindi may ibang direksyon, may iba pang paraan na para maabot natin ang kapayapaan,” dagdag ni Ka Marikit.

Natapos man ang makabuluhang talakayan, mananatili naman ang epektong dulot nito sa bawat mag-aaral na dumalo, gayundin ang kaliwanagan at kaalam na umiwas sa anumang sisira ng kanilang kinabukasan at kapayapaan, kabilang na ang masasamang puwersa ng CPP-NPA-NDF.

Habang magpapatuloy naman ang misyon at pagtutulungan ng JMCFI at KCI sa paghubog ng kamalayan sa mga kabataan at paggabay sa kanila tungo sa daang matuwid na magbibigay ng magandang kinabukasan at tiyak na kapayapaan ‘di lamang sa kanila kundi sa buong bayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble