ININSPEKSIYON ni North Korean Leader Kim Jong Un ang isang shipyard at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapalakas ng naval force ng bansa.
Ayon kay Kim, kinakailangan ito para sa paghahanda sa posibleng mga digmaan.
Ang pagpapalakas umano ng shipbuilding industry ay mahalaga rin sa pagpatutupad ng polisiya ng Ruling Worker’s Party of Korea na palakasin ang national defense maging ang ekonomiya ng bansa.
Hindi naman inihayag ng opisyal na Korean Central News Agency kung kailan nagsagawa ng pagbisita si Kim.
Matatandaan, noong nakaraang linggo, inobserbahan din ni Kim ang test firing ng submarine-launched cruise missiles kasama ang senior navy at ruling party officials nito.