INIHAYAG ng state media ng Pyongyang na nilinaw ni North Korean leader Kim Jong Un na ang South Korea ay pangunahing kaaway at pinakamapinsala sa Pyongyang.
Ito ang inihayag ni Kim habang nag-iinspeksyon sa pangunahing pagawaan ng mga armas noong Lunes at Martes.
Aniya, dahil pangunahing kaaway nito ang South Korea, mas palalakasin pa ng bansa ang kakayahang pang-militar nito maging ang self-defense at nuclear war deterrence.
Ito na rin aniya ang panahon para tawaging pinakamapinsala sa North Korea ang bansang Republic of Korea na siya namang opisyal na pangalan ng South Korea.
Ikinatuwa naman ng lider ang matagumpay na pagdedeploy ng mga factory sa bansa ng bagong uri ng mga armas at equipment para sa first line combined units at major missile units.